Saan nasusukat ang KAGANDAHAN ng isang TAO?
Bago ko lamang umpisahan ang aking talumpati nais ko muna kayong batiin ng Magandang Maganda at Gwapo tayong lahat ngayong Hapon!
Ang maganda sa paningin ng iba ay laging maganda sa paningin ng lahat. Ang halos sinasamba sa isang dako ay inaalipusta naman sa kabila at pana-panahon din ang pamantayan.Sinasabi nila na ang Kagandahan ay nasa mata ng tumitingin,na ito ang pinakatamang panukat ng kagandahang panlabas na kailanman hindi magkakamali.
Bago ko lamang umpisahan ang aking talumpati nais ko muna kayong batiin ng Magandang Maganda at Gwapo tayong lahat ngayong Hapon!
Ang maganda sa paningin ng iba ay laging maganda sa paningin ng lahat. Ang halos sinasamba sa isang dako ay inaalipusta naman sa kabila at pana-panahon din ang pamantayan.Sinasabi nila na ang Kagandahan ay nasa mata ng tumitingin,na ito ang pinakatamang panukat ng kagandahang panlabas na kailanman hindi magkakamali.
Samantala,ang tunay na kagandahan ay matatagpuan lamang sa
mga bagay na di NAKIKITA.Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay anino lamang na
masasabi ko na ang kagandahang panlabas ay nagbibigay kasiyahan sa
sari-sariling pamantayan at ito ay nagpapakita lamang ng pagpapatikim sa mga
bagay na may tunay na kagandahan.
Kaya nga hindi dapat mapalinlang sa kagandahang nakikita
lamang ng ating mga mata,bagkus alamin mo muna ang nilalaman ng kanyang
puso.Hindi ba alam ng iba na ang gandang naitatago ay nasa
kaibuturan ng puso?Na ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing
diwa ay siyang lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.At kapag tinutukoy naman ang
salitang puso ay ito ang pinakasentro ng ating pagkatao na ang pagkakahulugan
ay ispiritwal,at kapag ang salitang diwa naman ay nangangahulugang espirito.Ang
mga salitang ito ay nagpapakita ng tunay na kagandahan at hindi ang panlabas.
Karamihan sa mga tao ay nagbibigay ng kabaliktaran na kahulugan sa kung ano ang tunay na kagandahan.Napakadaming pwedeng ilarawan at depenesyon para sa salitang MAGANDA at bawat isang paglalarawan ay may iba't ibang pagsiwalat na ang pumasok sa aking isipan ay salitang "KONTENTO" Bakit may mga ibang tao na hindi nakukuntento?,na kung bakit ang iba ay parang kinikwestyon ang paglikha sa atin ng Diyos.Na mayroon namang iba na pilit tinatalikuran ang katotohanan sa likod ng sariling panlabas,marahil nga ay natatakot sila makutya ng ibang tao,kaya' t pinipilt rin ng iba na baguhin ito sa pamamagitan ng mga maprosesong pamamaraan.Ngunit sa Kabila nito,ikaw ba ay sigurado na makakamit mo iyong ninanais kung nababalot naman ang iyong pangangatawan ng mga kasinungalingan?
Kahit pilitin mo mang baguhin ito,kung ang panloob mo ay nababalot ng poot,inggit,galit, o anumang negatibong pananaw ay hindi mo pa rin ito makakamit bagkus mahalin mo muna ang iyong sarili,pahalagahan ang mga bagay na pinagkaloob sa iyo ng Diyos at maging positibo lamang sa araw araw at higit sa lahat makuntento sa anumang pinagkaloob sa atin ng Maykapal.
Hindi porket nagsalamin ka,nag ayos ka ng mukha,nagbihis ng maganda ay alam mo na ang tunay na Kagandahan.
Ang pagtingin sa taas ang siyang magbbgay ng tunay na sagot sa lahat,
Makuntento at maging masaya at higit sa lahat malinis na kalooban ang siyang panukat sa tunay na Kagandahan!
MARAMING SALAMAT PO!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento